Ako Bilang Pilipino Essay

MILAN - Mula ika-30 ng Mayo hanggang ika-3 ng Hunyo, 2012, idinaos ang VII World Meeting of Families sa lungsod na ito sa pangunguna ng Santo Papa, Benedetto XVI. Ito ay ginaganap tuwing ika-3 taon bilang pagbibigay halaga sa Pamilya sa buong mundo.

Isa ang Pilipinas sa mga 153 bansang nakilahok sa pagdiriwang. Pinangunahan ni Bishop Gabriel V. Reyes, ng CBCP Chair ng Episcopal Council on Family and Life ang delegasyon ng Pilipinas. Kasama din sina Archbishop Socrates Villegas na miyembro ng Pontifical Council on Family and Life sa Vatican; Frank at Geraldine Padilla, founders ng Couples for Christ FFL, dating Senador Francisco Kit Tatad at kanyang may bahay na si Gng. Fenny Cantero-Tatad, Bishop Gilbert Garcera - na nagsalita tungkol sa "Migration and Family" na mula sa Diocese of Daet at 8 pang paring Pilipino mula sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Nakapanayam ng Ako ay Pilipino si Father Giovanni Osias O. Yago, kura paroko ng San Isidro Labrador Parish mula sa Nangka, Marikina City at nagbigay ng mga pananaw ukol sa pagdiriwang at sa kahalagahan ng Pamilya bilang parte ng lipunan.

Bilang isang lingkod ng simbahan, anong katangian ng mga Pilipino ang naiiba sa ibang lahi?

Ang ating bansa ay may mayamang kultura bilang isang bansang Katoliko. Ito ay nakakatulong sa kanilang pang araw araw na pamumuhay at pananampalataya bilang sambayanan ng Diyos.

Saan mang sulok ng mundo, tuwing Linggo makikita mo ang mga kababayan nating nagtitipon at nagkakaisa, Sila ay nasa simbahan hindi lamang upang sumimba kundi para makasama ang kanilang mga kaibigan. Sa aking palagay, ito ay isang patunay na ang pananampalataya ang nagsisilbing kanlungan nating lahat sa ano mang oras.

Noong 2003, ang World Meeting of Families ay ginanap sa Pilipinas.

Bilang isang paring namamahala sa mga pamilya, lagi kong ipinapaalala na tayo ay nararapat na maging isang pastol sa pagpapalago ng ating pananampalataya. Una sa lahat, malaki ang nagagawa ng isang mabuti at marangal na pamilya sa lipunan, upang maging isang modelo sa mga taong nakapaligid sa kanila. Sa pagsasabuhay ng turo ng simbahan, asahan natin na ang pamilya ay isang gabay para sa mas magandang bukas.

Anumang pangyayari na taliwas sa tama at makakaapekto sa imahe ng simbahan bilang pamilya ay nagsisilbing batik sa alinmang paniniwala. Ito ay isang pagpapatunay na ang kahinaan ng tao sa mga pagsubok ay laging nasa paligid. Sa kabila nito, ako ay naniniwala na lahat ay maaring mabigyan ng solusyon sa tamang paraan at pangunawa ng mga bagay bagay.

Ang Pamilya bilang Pundasyon ng lipunan

Sa panahon ngayon, dumaraan sa maraming pagsubok ang pamilyang Pilipino o kahit alin mang lahi. Mga pagsubok gaya ng paghihiwalay at problema ng mga kabataang naliligaw ng landas.

Ang simbahan at ang komunidad ay nararapat gumawa ng paraan upang hindi tuluyang malugmok ang estado ng pamilya ng kasalukuyang panahon. Una sa lahat, bawat miyembro ng pamilya ay nararapat maglagak ng kani-kanilang responsibilidad sa pagpapatibay ng relasyon sa isa’t isa at sa pagpapalawig ng pananalig sa pamumuno ng simbahan.

Ako, bilang alagad ng simbahan, ay nararapat ding magpaalala ng imahe ng Banal na Pamilya ng Nazareth. Nawa’y magsilbi Silang modelo at gabay sa pang araw-araw na pamumuhay.

Ang Milan bilang host ng World Family Day

Ang naganap sa Milan na World Meeting of Families ay ang pinaka organisado at may pinakamaraming dumalo sa aking mga naranasang pagtitipon.. Isa itong pagpapatunay na ang tradisyon at kultura ng Katoliko ay nangingibabaw sa kabila ng lahat ng pagsubok ng modernong panahon. Sana ang mga susunod pang pagdiriwang kung hindi man maging katulad ng nito ay mahigitan hindi lamang sa dami ng taong dadalo kung hindi rin pati ang mga paghahanda upang mas dumami pa ang miyembro ng ating simbahan.

Binabati ko ang lahat ng mga namuno para sa isang pang daigdigang pagdiriwang para sa pamilya gaya nito. Sana makarating pa sa mas maraming tao at manatili sa kanilang mga puso ang halaga ng Pamilya hindi lamang bilang isang institusyon ng lipunan kung hindi higit sa lahat bilang lingkod ng Diyos. (ni: Michelle Bucu-Torres)

 

Ano po ang inyong kaalaman kung bakit sa palagay niyo ay isa kayo sa mga benepisyaryo ng 4Ps? Ito ang isa sa mga katanungan sa pakikipagpanayam namin sa mga nakakatanggap ngayon ng programa.

Ayon sa DSWD, ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay isang hakbang ng pambansang pamahalaan para sa pagpapabuti ng kalagayang pantao ng ating mga kababayan. Nagbibigay ito ng kondisyonal na tulong-pinansiyal para sa pinakamahihirap na Pilipino upang pabutihin ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga batang may edad 0 hanggang 18 taong gulang.

Noong ika-31 ng Agosto hanggang Setyembro 1, 2016, sa pangunguna ng DSWD FOI, kasama ang NNC ROI, PhilHealth ROI, PopCom ROI at DILG ROI sa pag-iikot at pagmonitor ng mga benepisyaryo upang matukoy at matugunan ang mga rason sa mga hindi nila pagsunod sa kondisyon ng pagiging miyembro ng 4Ps sa mga bayan ng Tagudin at Alilem, Ilocos Sur.


“Ang alam ko po ay dahil mahirap lang po kami…”, sagot ni Nanay Aurelia na hindi na kaiba sa mga sagot ng ilang benepisyaryo.

Si nanay Aurelia T. Leal ay masayahin, maaruga sa pamilya, responsableng ina, asawa at lola, naninirahan sa Barangay Dalawa, bayan ng Alilem sa probinsiya ng Ilocos Sur. Upang marating ang bayang ito, matatarik na liko-likong daan ang kinakailangang tahakin. Kung hindi kakayanin ng sasakyan, maaaring dumausdos ito pababa at mahulog sa bangin o sa malawak na ilog ng Amburayan.

Sa aming panayam kay Nanay Aurelia, makikitaan mo ng interes na gusto niyang makipag-usap. Hindi mo aakalain na siya ay may pinagdaanang sakit sa pag-iisip na siyang nagbunga sa hirap niyang makaintindi at makadinig ng mga salita. Sa aming pag-uusap na tumagal ng mahigit isang oras, nalaman ko na ang kanyang nakukuhang tulong-pinansiyal sa pagiging miyembro ng 4Ps ay pilit niyang pinagkakasya sa kanilang gastusin mula sa pagkain, pambaon, medisina at pampersonal na pangangailangan. Kabilang din sa aking nalikom na impormasyon ay siya ay aktibong dumadalo sa mga Family Development Sessions na pinapangasiwahan ng local na gobyerno upang maturuan at mabigyan sila ng impormasyon sa maraming aspeto kabilang na ang wastong nutrisyon at tamang kalusugan.

Malaking bagay na hindi naapektuhan ang kalusugan ni nanay sa kanyang nakaraang sakit sa pag-iisip. Sa ngayon, siya ay malayang nakakakilos, nakakatapos ng mga gawaing bahay at nakakapag-hanap buhay para sa kanyang apo na pumapasok sa eskwela bilang grade 7.

Ano po ang masasabi niyo tungkol sa programa?

“Wala po akong mairereklamo sa programa. Kundi malaki ang pasasalamat ko na kami ay napabilang dito. Marami rin akong natutunan lalong lalo na sa pag-aalaga ng aking kalusugan…”, wika ni Nanay Aurelia.

Sa mga katulad ni Nanay Aurelia na kasapi sa 4Ps, naway inyong gamitin ang programa para sa unti-unting pag-angat ng estado sa buhay. Na ang gobyerno ay patuloy na gumagawa ng hakbang at programa upang matulungan ang bawat isa. Na ang pagiging mahirap ay hindi hadlang upang mapabuti ang ating buhay lalo na ang kondisyong pangnutrisyon at pangkalusugan. Bagkus, sana’y magsilbing rason upang maisaayos at maialpas sa kahirapan tungo sa maalwang pamumuhay. MGSC

0 thoughts on “Ako Bilang Pilipino Essay”

    -->

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *